Pangulong Duterte hindi binawalang mag-motorsiklo ng doktor – Malakanyang

By Jan Escosio October 25, 2019 - 05:13 PM

Hindi ipinagbawal kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmomotorsiklo.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos na muling magmotorsiklo si Duterte Huwebes (Oct. 24) sa compound ng Presidential Residence.

Ayon kay Panelo pagkatapos ng hapunan sa Bahay Pagbabago ay muling nag-motorsiko si Pangulong Duterte.

Paglilinaw pa nito, hindi naman ipinagbabawal sa Punong Ehekutibo na mag-motorsiklo kasunod na rin ng pagsemplang nito noong nakaraang linggo.

Katwiran pa ni Panelo, three-wheel motorcycle ang ginamit ni Pangulong Duterte kaya’t hindi na ito muling sesemplang.

Dagdag pa ni Panelo nang huling makausap niya si Pangulong Duterte, sinabi nito na umiinom ito ng pain killers para sa kanyang muscular spasm na tumindi nang bumiyahe siya sa Japan.

Sa ngayon aniya ay nagpapahinga na sa Davao City ang pangulo at babalik ito sa Malakanyang para sa mga official events sa Lunes.

Babalik din ang pangulo sa Davao City para sa Undas para bisitahin ang libingan ng kanyang mga magulang.

TAGS: motorcycle, muscle spasm, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, tagalog news website, motorcycle, muscle spasm, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.