10 katao sangkot sa pananambang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 04:03 PM

Hindi bababa sa sampung katao ang sangkot sa pananambang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro na tinambangan habang nasa kostodiya ng mga pulis sa Cebu.

Ayon kay Police Master Sergeant Carlo Balasoto na siyang nagmamaneho ng police patrol SUV inabangan ng mga suspek ang convoy na magdadala kay Navarro sa Cebu City Prosecutor’s Office kung saan sasailalim sana siya sa inquest proceedings.

Sinabi ni Balasoto na aabot sa 10 armadong lalaki ang nakita niyang bumaba sa isang van.

Pinalibutan ng sampung suspek ang sasakyan kung saan naroroon ang alkalde.

Sinubukan pa ng mga escort ni Navarro na ilabas siya ng sasakyan at itakas pero pinagbabaril ito ng mga suspek.

Aminado naman si Balasoto na hindi nila nagawang makaganti ng putok dahil sobrang bilis ng pangyayari.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang motibo sa pananambang.

TAGS: ambush, Cebu City, Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, ambush, Cebu City, Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.