Pangulong Duterte dadalo sa Asean Summit sa Thailand pero may mga lalaktawang aktibidad

Sa kabila ng hindi magandang pakiramdam nitong nagdaang mga araw tuloy ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa Asean Summit sa Thailand.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaring may mga aktibidad sa summit na lalaktawan ng pangulo.

Masyado kasi aniyang puno ang schedule sa summit at mahirap ito para sa pangulo.

Maari aniyang bawasan ang physical activities ng pangulo sa summit.

Ang 35th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit ay gaganapin sa Bangkok mula November 2 hanggang 4.

Kamakailan pinayuhan ng duktor si Pangulong Duterte na magpahinga dahil sa nararanasang muscle spasms na resulta ng pagkakasemplang niya sa motorsiklo.

Pinayuhan din siya ng duktor na iwasan ang matagal na pagtayo o mahabang paglalakad.

Read more...