‘Planetary Defense Office’, itinatag ng NASA

By Jay Dones January 14, 2016 - 04:25 AM

 

Mula sa Google

May opisyal na tanggapan nang magbabantay kontra sa mga meteor at asteroid na posibleng tumama sa Earth.

Itinatag ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang “Planetary Defense Coordination Office” na dedepensa sakaling may banta ng pagtama ng mga mga bulalakaw sa ating mundo.

Ang naturang sangay tanggapan ay pangungunahan ng isang ‘Planetary Defense Officer’ at pangangasiwaan ng Planetary Science Division ng Science Mission Directorate ng NASA.

Pangunahing misyon nito ang pagtukoy sa mga ‘potentially hazardous objects sa kalawakan na posibleng tumama o hindi kaya ay dumaan malapit sa Earth.

Sakaling may matukoy na asteroid o meteor na makakaapekto sa mundo ang Planetary Defense Office, kinakailangang ipagbibigay-alam agad ito sa US Government upang planuhin ang mga susunod na hakbang upang mapigilan ito.

Sa kasalukuyan, may 13,500 insidente na ng ‘Near Earth Objects’o pagdaan ng mga meteor o asteroid malapit sa mundo na naitala kung saan nasa 1,500 ang nagaganap taun-taon.

Noong 2013, isang malaing meteorite ang pumasok sa atmosphere ng Earth at bumagsak sa lake Chelyabinsk sa Russia.

Sa tindi ng impact, yumanig ang buong lalawigan at nabasag ang maraming mga salamin sa mga establisimiyentong dinaanan ng meteorite.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.