Alert Level ng Mt. Kanlaon ibinaba na ng Phivolcs
Mula sa alert level 1 ay ibinaba na sa zero o normal ang alert level ng Mt. Kanlaon.
Sa inilabas na Volcano Bulletin ng Phivolcs, ito ay makaraang makapagtala ng pagbaba sa namomonitor na aktibidad ng bulkan.
Pasok din sa baseline level na 0 hanggang 2 earthquakes kada araw ang naitatalang volcanic earthquakes sa Kanlaon nitong nagdaang mga araw.
Wala ding nakikitang pagbabago sa ground deformation ng Mt. Kanlaon na maaring makapagdulot ng volcanic activity.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na iwasan pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone ng bulkan dahil sa maari pa ring magkakaroon ng rockfalls, avalanche, at phreatic eruption sa summit area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.