Sa tulong ng mga naka-full battle gear na mga tauhan ng PNP Special Action Force, nagsagawa ng surprise inspection ang Presidential Anti-Corruption Commission sa Bureau of Customs sa Port Area, Manila.
Ayon kay PACC Comm. Greco Belgica ikinasa nila ang surprise inspection bilang paunang hakbang sa pag-iimbestiga sa mga ulat ng katiwalian sa kawanihan.
Partikular na binanggit ni Belgica ang smuggling issue sa Customs Bureau.
Dagdag pa ng opisyal ipina-subpoena din nila ang ilang dokumento para gamitin ebidensiya sa impormasyon na pinepeke ang mga dokumento na gagamitin sa pagpapapuslit ng mga kontrabando
Banggit pa nito, may impormasyon na nagagamit sa smuggling ang Port of Manila at Manila International Container Port Terminal gamit ang mga pekeng dokumento.
Pagdidiin ng opisyal bilyon bilyon pisong kita dapat ng gobyerno ang nawawala dahil
sa smuggling.
Kasama sa binisita at sinuri ng PACC ang ilang opisina ng kawanihan at x ray machines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.