Processed meats na kontaminado ng ASF sa Mindoro isolated case lang ayon sa DA
Maitituring na isolated case lamang ang pagkakatuklas sa meat products na kontaminado ng African Swine Fever sa Mindoro.
Ayon sa Department of Agriculture, ang mga nakumpiska at nasuring produkto sa Mindoro na hotdog, longganisa at tocino ay homemade at iisang brand lamang.
Patuloy naman ang pagtanggi ng DA na tukuyin kung ano ang brand ng meat products dahil patuloy pa umano ang ginagawang pagsusuri.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, sa kabila ng mahigpit na protocol na ipinatutupad ng DA ay may mga nakalulusot pa ring baboy o produktong baboy na kontaminado ng ASF.
Sa ngayons sinabi ni Cayanan na wala pa naman silang utos para magpa-recall ng meat products o processed meat products sa merkado.
Ipinaliwanag naman na kasi ng Department of Health (DOH) na walang epekto sa tao ang ASF at ligtas kainin ang baboy o produktong baboy basta’t lutuin ito ng mabuti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.