Ayon sa Manila Water sa unang gabi ng pagpapatupad ng service interruption ay nakapagtala sila ng 100 percent na pagsunod sa tamang oras ng schedule.
Sinabi ng Manila Water na patuloy nitong sisikaping masunod nang 100% ang schedule ng rotational water service.
Nanawagan din ang water concessionaire sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung nakaranas sila ng interruption na taliwas sa nakasaad sa schedule.
Ang araw-araw na pagpapatupad ng service interruptions ng Manila Water at Maynilad ay bunsod ng muling pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam.
MOST READ
LATEST STORIES