Medical bulletin ni Pangulong Duterte hindi na kailangang isapubliko – Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 11:30 AM

Hindi na kailangang isapubliko pa ang medical bulletin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa ilalim naman ng Saligang Batas nakasaad na kailangan lang ilantad ang health condition ng pangulo kung maituturing na ito ay isang “serious illness”.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng palasyo na ilalantad ang medical condition ng pangulo pagkatapos niyang magpatingin sa duktor.

Magugunitang muscle spasm lang ang sinabi ng duktor na dahilan ng pananakit sa bahagi ng spine ng pangulo matapos sumemplang sa motorsiklo.

Araw ng Huwebes sinabi ng Malakanyang na unti-unti nang bumubuti ang lagay ng pangulo matapos maresetahan ng gamot.

TAGS: medical bulletin, medical condition, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, medical bulletin, medical condition, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.