Inflation rate sa 3rd quarter ng taon bumaba sa 1.7 percent

Bumaba sa 1.7 percent lang ang naitalang inflation rate para sa ikatlong quarter ng taong 2019 ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP ito ay bunga ng mababang presyo ng mga pagkain, kuryente at produktong petrolyo.

Sa nakalipas na buwan ng Abril hanggang Hunyo, nakapagtala ang BSP ng 3 porsyentong inflation.

Bunga nito, 2.8 percent ang year to date average inflation na pasok pa sa 3 target ng gobyerno para ngayon taon.

Bunga ng paghupa ng tinatawag na price pressures, tiwala ang Bangko Sentral na maabot ang target na 2 to 4 percent inflation ngayon taon hanggang 2021.

Read more...