Inflation rate sa 3rd quarter ng taon bumaba sa 1.7 percent

By Jan Escosio October 25, 2019 - 11:19 AM

Bumaba sa 1.7 percent lang ang naitalang inflation rate para sa ikatlong quarter ng taong 2019 ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP ito ay bunga ng mababang presyo ng mga pagkain, kuryente at produktong petrolyo.

Sa nakalipas na buwan ng Abril hanggang Hunyo, nakapagtala ang BSP ng 3 porsyentong inflation.

Bunga nito, 2.8 percent ang year to date average inflation na pasok pa sa 3 target ng gobyerno para ngayon taon.

Bunga ng paghupa ng tinatawag na price pressures, tiwala ang Bangko Sentral na maabot ang target na 2 to 4 percent inflation ngayon taon hanggang 2021.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP, inflation rate, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP, inflation rate, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.