Teaser ng pelikula nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban inilabas ng Star Cinema

By Jimmy Tamayo October 25, 2019 - 10:47 AM

Inilabas na ng Star Cinema ang teaser ng bagong pelikula ni Bea Alonzo kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez na pinamagatang “Unbreakable.”

Ito ang muling pagsasama sa proyekto nina Bea at Angelica na nagkatrabaho na noong 2006 para sa teleseryeng “Maging Sino ka Man.”

Ang direktor ng naturang teleserye ang siya ring direktor ng pelikula na si Mae Cruz-Alviar.

Ipinakita sa teaser na ang pagiging magkaibigan ng karakter na ginagampanan nina Bea at Angelica na masisira dahil sa isang lalaki na ginagampanan naman ni Gutierrez.

Ang “Unbreakable” ay may dating pamagat na “Wife, Husband, Wife.”

Ang role ni Angelica ay dating ibinigay kay Angel Locsin pero nagback-out sa proyekto dahil abala sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal.

Ang teaser ng pelikula ay ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account.

Ang “Unbreakable” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa November 27.

 

View this post on Instagram

 

Pano ba babasagin ang mga taong masasaya?

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on Oct 24, 2019 at 12:27pm PDT

TAGS: Angelica Panganiban, Bea Alonzo, movie, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Star Cinema, tagalog news website, unbreakable PH News, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, movie, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Star Cinema, tagalog news website, unbreakable PH News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.