Asahan na ang mas malamig na temperatura sa susunod na mga araw.
Ayon kasi sa PAGASA, ganap nang nagsimula ang Amihan season sa bansa.
Sa pahayag ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano malakas na ang pag-iral ng northeasterly winds sa seaboards ng Northern Luzon.
May paglamig na rin ng air temperature sa Northeastern part ng Luzon.
Ang nasabing kondisyon ayon kay Malano ay indikasyon na ng pormal na pagsisimula ng northeast monsoon o ‘amihan’ season sa bansa.
Kadalasang nararamdaman ang pinakamalamig na lagay ng panahon sa bansa kapag Enero at Pebrero.
MOST READ
LATEST STORIES