Diskwento sa toll sa mga motorista dahil sa matinding traffic sa SLEX dedesisyunan ng TRB sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 10:02 AM

Sa susunod na buwan dedesisyunan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang tungkol sa hirit na diskwento para sa mga motorista na dumadaan sa northbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Raymundo Junia, private sector representative ng TRB, inaaral na ng technical working group (TWG) ang hirit na diskwento sa toll fees na sinisingil sa SLEX.

Si Junia ang chairperson ng TWG. Ang susunod na pulong aniya ay mangyayari sa unang linggo ng Nobyembre.

Sakaling aprubahan ang diskwento sa Nobyembre, sinabi ni Junia na ipatutupad ito sa Disyembre.

Bagaman malaki ang posibilidad na magkaroon nga ng diskwento sinabi ni Junia na mahigpit nilang inaaral ang magiging halaga.

Magugunitang araw-araw na napeperwisyo ang mga motorista sa SLEX dahil sa pagsasara ng bahagi ng SLEX sa Alabang Viaduct dahil sa Skyway Extension project.

TAGS: discount on toll, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer Toll Regulatory Board, South Luzon Expressway, tagalog news website, technical working group, traffic, discount on toll, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer Toll Regulatory Board, South Luzon Expressway, tagalog news website, technical working group, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.