Cebu Pacific naglabas ng peak season travel advisory

By Jan Escosio October 25, 2019 - 09:05 AM

Dahil sa matinding traffic sa Metro Manila, nagpaalala ang Cebu Pacific at CebGo na maglaan ng karagdagang oras sa pagbiyahe patungong NAIA Terminals.

Bukod pa dito ang oras na kailangan ilaan para sa security inspection, immigration screening, check-in, bag drop at para sa iba pang pre-departure requirements.

Ngayon papasok na ang peak travel season para sa nalalapit na Undas at Kapaskuhan, paalala ng Cebu Pacific dapat ay nasa terminal na ang mga pasahero ng domestic flights dalawang oras bago ang kanilang scheduled take-off.

Maglaan naman ng tatlong oras para sa international flights at karagdagang oras sa mga patungo sa Guam at Sydney at Melbourne sa Australia dahil sa mas mahigpit na security screening ayon sa abiso ng kanilang mga gobyerno.

At para mas mabilis na check-in inirerekomenda ng Cebu Pacific ang pag web check-in o ang pag download ng kanilang Mobile App.

Maaring mag web check-in apat na oras hanggang pitong araw bago ang scheduled flights.

Paalala pa ng kumpaniya, ang bawat pasahero ay pinapayagan lang na magdala ng hand carry baggage na may bigat hanggang pitong kilo lang.

TAGS: advisory, cebu pacific, NAIA terminals PH News, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, traffic, advisory, cebu pacific, NAIA terminals PH News, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.