GSIS may bagong batch ng college scholars

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 08:43 AM

Ipinalabas na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang listahan ng 400 na bagong scholars sa kolehiyo para sa Academic Year na 2019-2020 alinsunod sa GSIS Scholarship Program (GSP).

Ayon kay GSIS chairman, Acting President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, tinitiyak nila na ang mga scholar ay mula sa mga miyembrong may pinamababang sahod at permanent total disability pensioners na below 60 years old.

Sa nasabing bilang, 50 slots ang inilaan sa 50 dependents ng persons with disabilities, solo o single parents at indigenous peoples.

Ang 400 na iskolar ay pinili mula sa 4,000 nominees na kukuha ng apat hanggang limang taon na kurso na tinukoy ng Commission on Higher Education.

Ang mga benepisyong inilaan sa mga scholar ay tuition and miscellaneous fees na hindi tataas sa P40,000 per academic year; monthly allowance na P3,000 habang mga magtatapos na cum laude, magna cum laude, o summa cum ay bibigyan ng reward na P20,000; P30,000; o P50,000.

Naka-post ang buong listahan ng 400 na bagong college scholars sa www.gsis.gov.ph.

TAGS: Government Service Insurance System, GSIS Scholars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Government Service Insurance System, GSIS Scholars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.