Drug den nabuwag ng PDEA sa Bacolod City; 5 suspek arestado
Isang hinihinalang drug den ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacolod City.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 6 Special Enforcement Team at Negros Occidental Provincial Office sa Purok Kasagingan Brgy. Banago.
Naaresto sa drug den ang mga suspek na kinilalang sina Felizardo Londres, Erwin Villacastel, Jhon Dave Solis, Rommel Pama at Jhon Paul Quiñanola.
Nakuhanan sila ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P102,000 ang halaga.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Art II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.