Mahihinang mga pag-ulan mararanasan sa N. Luzon

Magandang panahon pa rin ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, northeasterly surface windflow lang ang umiiral na weather system at nakakaapekto lang ito sa Northern Luzon.

Dahil sa northeasterly surface windflow, makararanas ng mahihinang mga pag-ulan sa Batanes, Ilocos Norte, Apayao at Cagayan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao, maalinsangang panahon pa rin ang iiral na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

Ang binabantayan namang Typhoon Bualoi ay patuloy na lumalayo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at walang epekto sa bansa.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t malayang makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...