Daan-daan pinalilikas sa pagsiklab ng wildfire sa Northern California

By Rhommel Balasbas October 25, 2019 - 05:06 AM

Ipinag-utos ang mandatory evacution sa daan-daang residente sa Geyserville, Sonoma County, California matapos sumiklab ang napakalaking wildfire araw ng Huwebes.

Ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection, 10,000 ektarya na ang lawak na napinsala ng sunog.

Pinalalala pa ng malakas na hangin ang lagablab ng apoy.

Hindi pa alam ang sanhi ng sunog.

Wala pang naitatalang sugatan ngunit mayroon ng dalawang istuktura ang natupok..

Pinutol na rin ang suplay ng kuryente kung saan kasalukuyan nang nakaaapekto sa kalahating milyong katao.

Layon ng power outages na maiwasan ang mas malalala pang problema dahil maaaring maputol ng malakas na hangin ang mga linya ng kuryente at makapagsimula pa ng bagong sunog.

Umaabot ngayon ang bugso ng hangin sa Northern California sa 70 miles per hour.

TAGS: Geyserville, Kincade Fire, Northern California wildfire, sonoma county, Geyserville, Kincade Fire, Northern California wildfire, sonoma county

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.