50 bahay nasunog sa Boracay

Malay-MDRRMO

Nasa 50 bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay, Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) – Malay chief Supt. Naz Cablayan, 200 residente ang nawalan ng tirahan bunsod ng sunog.

Umabot sa general alarm ang sunog dahilan para parespondihin ang lahat ng fire trucks sa lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kusina ng isang bahay.

Umabot sa tatlong oras ang sunog dahil nahirapan ang mga bumbero na maabot ang lugar bunsod ng kitid ng mga daan.

Dikit-dikit din ang mga bahay at nagpalala pa sa lagablab ng apoy ang malakas na hangin.

Umabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog at wala namang naitalang nasaktan.

Read more...