LOOK: Pangulong Duterte nag-motor muli

By Rhommel Balasbas October 25, 2019 - 04:46 AM

Sen. Bong Go photo

Sinuway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos ng mga doktor na magpahinga muna.

Ito ay makaraang sumakay muli ang pangulo sa motorsiklo sa loob ng PSG Compound.

Ibinahagi ni Senator Bong Go sa Facebook ang mga larawan ng muling pagsakay ng pangulo sa motor na tumagal umano ng 10 minuto.

Magugunitang naaksidente ang pangulo noong nakaraang linggo matapos sumakay sa 650-cc dirt bike sa Malacañang compound at naging dahilan para sumakit ang spine nito.

Dahil sa labis na sakit na naramdaman ay napilitang umuwi nang mas maaga si Duterte mula sa kanyang pagbisita sa Japan.

Sa kanyang checkup, sinabi naman ng mga doktor na muscle spasm lang ang iniinda ng pangulo.

Ayon sa Malacañang binigyan ng mga doktor si Duterte ng pain killers at pinayuhang magpahinga muna.

TAGS: aksidente, magpahinga, muscle spasm, nag motor, painkillers, PSG Compound, Rodrigo Duterte, senator bong go, aksidente, magpahinga, muscle spasm, nag motor, painkillers, PSG Compound, Rodrigo Duterte, senator bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.