Angkas driver nakuhanan ng paltik sa Pateros

File photo

Nakuhanan ng paltik at hindi lisensyadong baril ang isang 36 anyos na Angkas driver sa operasyon ng pulisya sa Pateros.

Ayon kay Police Capt. Jerven Galvez ng Pateros Police, nakilala ang suspek na si Argel Fernando, na taga Barangay San Roque.

Nakumpiska kay Fernando ang apat na paltik na isang improvised na baril, isang kalibre .38 na baril na mayroong limang bala at siyam na piraso ng 12 gauge cartridge shell.

Ang operasyon ng pulisya ay batay sa search warrant na inilabas ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 Judge Danilo Cruz.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

Read more...