Roach: Pacquiao muling lalaban sa Pebrero

By Len Montaño October 25, 2019 - 04:36 AM

Inihayag ni coach Freddie Roach na posibleng sa Pebrero 2020 ang susunod na laban sa ring ni Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Roach, maaaring ang dating American boxing champion na si Danny Garcia ang susunod na makalaban ng pambasang kamao.

Sa ngayon anya ay pinag-uusapan na ng magkabilang panig ang posibleng bakbakan sa ring.

Nanood si Garcia sa ringside ng laban ni Pacquiao kontra kay Keith Thurman sa Las Vegas noong Hunyo.

Bukod kay Garcia, isa pang dating kampeon ang posible ring sunod na kalaban ni Pacquiao, ito ay si Mikey Garcia.

Inulutang din ni Roach ang pangalan ni Errol Spence pero galing ito sa aksidente matapos talunin si Shawn Porter.

Sa Disyembre ay magdiriwang na si Pacquiao ng ika-41 taong kaarawan.

Galing ang Filipino world boxing icon mula sa panalo laban kina Lucas Matthyse, Adrien Broner at Thurman.

 

TAGS: Coach Freddie Roach, Danny Garcia, manny pacquiao, Mikey Garcia, Pebrero, sunod na laban, Coach Freddie Roach, Danny Garcia, manny pacquiao, Mikey Garcia, Pebrero, sunod na laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.