VIRAL: Mayor Isko sinayaw muli ang ‘Dying Inside’

Screengrab of Itchie Cabayan video

Game na game na pinagbigyan ni Manila Mayor Isko Moreno ang hamong sayawin ang 90’s hit na ‘Dying Inside’ araw ng Huwebes.

Sa inagurasyon at blessing ng bagong Ospital ng Maynila Medical Center Grounds, tila sinariwa ng alkalde ang pagiging ‘That’s Entertainment Boy.

Viral na ngayon ang videos ng pagsayaw ng alkalde na kinunan ni Itchie Cabayan.

Mayroon ng million views ang dalawang video ni Cabayan at higit 31,000 na rin ang shares.

Ang pagsayaw ni Moreno araw ng Huwebes ay kasabay ng pagdiriwang niya ng 45th birthday.

Hindi ito ang unang beses na nag-viral ang pagsayaw ni Moreno ng ‘Dying Inside’ matapos ang daan-daang libong views ng kanyang cover ng nasabing sayaw noong December 2018.

Read more...