Pinabulanaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “unceremoniously ignored” o inisnab umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng enthronement ceremony ni Emperor Naruhito sa Japan.
Pahayag ito ng DFA kasunod ng isyu na ang pag-isnab umano sa pangulo ang sinasabing dahilan kaya napaaga ang balik nito sa Pilipinas.
Pinutol ng pangulo ang kanyang 2 araw na pagbisita sa Japan dahil sa pananakit ng kanyang spinal column.
Sa Facebook post ng isang Ding Velasco, wala umanong iniinda ang pangulo at idinahilan lamang ito para makuha ang simpatya at hindi batikusin ng publiko matapos itong isnabin sa Japan.
Pero sinabi ni DFA Asst. Sec. Eduardo Meñes na nakumpirma niya sa Philippine Embassy sa Tokyo na mali ang pahayag ni Velasco.
“I verified with [the Philippine Embassy in] Tokyo. The allegations are false,” ani Velasco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.