“MANOK NA PULA”: Brgy. Treasurer, ipinansabong ang pasweldo sa barangay employees
Timbog ang treasurer ng Barangay San Isidro, Iriga City matapos ipangsugal ang aabot sa P269,000 na ipangsusweldo sana sa mga empleyado ng baranggay.
Ayon kay Iriga City Police chief Pol. Lt. Col. Elmer Mora, Martes ng hapon nang tumungo sa kanilang istasyon si Gabriel Vargas, 35-anyos, para isumbong na nabiktima siya ng panghoholdap.
Agad na nagkasa ng imbestigasyon ang Iriga Police at nalaman na plinano lang ni Vargas ang umano’y hold-up incident.
Batay sa pag-review sa CCTV, tatlong beses na nagpabalik-balik si Vargas sa lugar na sinabi niyang siya ay naholdap.
Dito na nagtaka ang pulisya at iginiit na dapat ang hold-up incident ay biglaan lamang.
Nahuli ng pulisya si Jimmy Padayao ang umano’y holdaper at napaamin ito na binayaran lang siya ni Vargas para pukpukin siya sa ulo at palabasin na naholdap.
Napag-alaman na galing sa sabungan si Vargas dala ang pondo ng baranggay at dalawang beses na natalo.
Pinalaya ang umano’y holdaper at ang isa pang kasabwat na nakilalang si Mike Magistrado dahil sa pagsasabi ng totoo.
Sasampahan ng mga kasong obstruction of justice at malversation of public funds si Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.