Gretchen Barretto nagpaliwanag sa mga larawan nila ni Atong Ang

By Len Montaño October 25, 2019 - 02:21 AM

Nagpaliwanag si Gretchen Barreto ukol sa naglabasang mga larawan nila ng umanoy gambling businessman na si Atong Ang.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Marjorie Barretto na inagaw umano ni Gretchen si Ang sa pamangkin nilang si Nicole.

Sa lumabas na mga litrato online ay makikita na nakasandal si Gretchen kay Ang habang natutulog sila sa biyahe.

Sa iba pang larawan ng dalawa ay magkasama at magka hawak-kamay sila sa airport habang nakaupo sa eroplano.

Habang nasa US ay idinaan ng aktres sa Instagram Stories ang pagtanggi nito na may relasyon sila ni Ang.

Paliwanag ni Gretchen, hindi niya namalayan na kinunan siya ng litrato habang natutulog sa flight kasama si Ang.

“I crossed a bit over a bit much…It is clear I was asleep on a plane ride,” nakasaad sa caption ni Getchen sa mga larawan.

Sinabi pa ng aktres na walang masama sa mga larawan na nagpapakita na magkasama sila ni Ang sa airport at sa biyahe.

Depensa nito, may damit sila ni Ang, hindi anya tulad sa umanoy “naked photos” ni Marjorie na umamin ng si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak.

Una nang sinabi ni Ang na business partner lamang niya si Gretchen.

 

TAGS: Airport, Atong Ang, biyahe, business partner, dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri, Gretchen Barretto, hawak-kamay, larawan, Marjorie Barretto, naked photos, Airport, Atong Ang, biyahe, business partner, dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri, Gretchen Barretto, hawak-kamay, larawan, Marjorie Barretto, naked photos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.