Water interruptions kailangan para maiwasan ang krisis sa tubig sa 2020

By Len Montaño October 25, 2019 - 01:18 AM

Nagpaliwanag ang National Water Resources Board (NWRB) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng muling pagpapatupad ng water interruptions ng Maynilad at Manila Water.

Ayon kay NWRD executive director Sevillo David Jr., kailangang magkaroon muli ng water interruptions para hindi magkaroon ng krisis sa tubig sa susunod na taon.

Dapat anyang ipatupad ang mas mahabang oras ng water service interruptions sa mas maraming lugar sa susunod na mga buwan para maiwasan ang water crisis sa panahon ng tagtuyot sa 2020.

Sinabi naman ni MWSS administrator Emmanuel Salamat na hindi pa masasabing mayroong krisis sa tubig pero kailangan itong paghandaan.

Ang water interruptions anya ay bahagi ng hakbang para matiyak na may sapat na supply ng tubig sa susunod na taon.

Sinabi rin ni Salamat na kailangang magkaroon ng ibang pagkukunan ng tubig, dahilan kaya anya minamadali ang konstruksyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na inasahang magbibigay ng 600 million liters ng tubig kada araw sa Metro Manila.

 

TAGS: kaliwa dam, manila water, maynilad, mwss, NWRB, supply ng tubig, tagtuyot, water crisis, water interruptions, water source, kaliwa dam, manila water, maynilad, mwss, NWRB, supply ng tubig, tagtuyot, water crisis, water interruptions, water source

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.