Sunog sumiklab sa Pasay City

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 11:51 PM

Screengrab of Kris Toffer Tobes video

Natupok ng apoy ang dalawang bahay sa sunog na sumiklab sa Geronimo St., Brgy. 172, Malibay, Pasay City, pasado alas-7:00 ng gabi ng Huwebes.

Ayon kay Fire Insp. Glen Celestial ng Pasay City Fire Station, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Eduardo Seriaco.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang katabing bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula eksakto alas-8:56 ng gabi.

Walang nasaktan sa sunog at nag-iwan ito ng nasaP100,000 pinsala sa ari-arian.

Sa Facebook video ng netizen na si Kris Toffer Tobes, makikita ang naglalagablab na apoy na tumutupok sa mga kabahayan.

TAGS: 2 bahay, ikalawang alarma, Malibay, natupok, Pasay City, Pasay City Fire Station, pinsala, sunog, 2 bahay, ikalawang alarma, Malibay, natupok, Pasay City, Pasay City Fire Station, pinsala, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.