Pagbaba ng hunger at poverty rate ikinatuwa ng Palasyo

By Chona Yu October 24, 2019 - 11:00 PM

Ikinatuwa ng palasyo ng malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing bumaba na ang bilang ng mga Filipino na nakararanas ng kahirapan at pagkagutom.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ebidensya ito na ramdam ang mga programang ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang kahirapan.

Sa pinakahuling survey ng SWS, nasa 9.1 percent na lamang ang nakararanas ng involuntary hunger sa huling tatlong buwan, mas mababa sa 10 percent sa naitala noong Hunyo.

Ayon kay Andanar, maaaring maliit na bagay para sa iba ang bahagyang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom pero para sa palasyo malaking bagay na ito dahil nangangahulugan ito na 200,000 pamilyang Filipino ang nalamnan ang sikmura.

Tiniyak pa ni Andanar na pag-iigihan pa ng administrasyon ang pagtugon sa kahirapan sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad mga programa gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Free Education Act at Universal Health Care Act.

Pinagsisikapan din aniya ng pamahalaan ang pagbibigay ng dagdag trabaho sa mga Pinoy gaya ng Government Internship Program at JobStart, pati na ang pagbibigay prayoridad sa agriculture and aquaculture sector, Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at mga proyektong pang-imprastraktura.

 

TAGS: hunger rate, kahirapan, PCOO Secretary Martin Andanar, poverty rate, programa, survey, SWS, hunger rate, kahirapan, PCOO Secretary Martin Andanar, poverty rate, programa, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.