M3.7 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Surigao del Norte bandang 8:25 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay 60 kilometers ng Hilaga-Silangan ng Burgos.

May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

Read more...