DOTr: Away ng mga Barretto pwedeng pagmulan ng road accident

By Den Macaranas October 24, 2019 - 06:24 PM

Para maiwasan ang anumang sakuna sa lansangan kaugnay sa awayan ng magkakapatid na Barretto ay naglabas ng paalala ang Department of Transportation (DOTr).

Sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ay naglabas ng anunsyo ang DOTr kaugnay sa batas laban sa distracted driving.

Kabilang sa mga nakalistang paalala na iwasang magbasa ng update sa Facebook o Instagram posts nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Kung may kasama sa sasakyan, sinabi ng DOTr na hayaan na lamang na lamang na sila na ang magbasa ng updates.

Kundi naman maiiwasan ay mas makabubuting tumbi na muna sa daan ang driver bago magbasa o mag-komento sa isyu ng mga Barretto.

Sinabi pa ng DOTr na dahil sa nasabing paalala ay magiging ligtas at updated pa ang mga motorista sa pinag-uusapang isyu ngayon lalo na sa social media.

TAGS: barretto, claudine, distracted driving, dotr, gretchen, marjorie, barretto, claudine, distracted driving, dotr, gretchen, marjorie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.