Ayon sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) uumpisahan na bukas, Oct. 25 ang mas mahabang biyahe ng mga tren ng LRT-1 at tatagal hanggang Dec. 31, 2019.
Ito ay para ma-accommodate ang mga bibiyahe para sa Undas at para sa pagsisimula ng Christmas season.
Simula bukas, Biyernes, ang last train mula Baclaran ay aalis ng alas 10:00 ng gabi mula sa dating al;as 9:30 ng gabi.
Ang last train naman mula Roosevelt Station ay aalis alas 10:15 ng gabi mula sa dating alas 9:45 ng gabi.
Kapag weekend at holidays ay mananatili ang schedule na 9:30PM para sa last train sa Baclaran at 9:45PM na last train galing Roosevelt.
Mananatili naman ang schedule ng pagbubukas ng tren ng LRT 1 na 4:30 ng umaga para sa unang biyahe mula Baclaran at Roosevelt.