Mga pulis na bantay sa loob ng NBP papalitan kada dalawang buwan

By Jan Escosio October 24, 2019 - 05:56 PM

Inquirer file photo

Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Debold Sinas na papalitan na ang mga pulis na nakatalaga ngayon sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Sinas maaring sa susunod na linggo o sa unang linggo ng Nobyembre ay mga tauhan na ng Regional Mobile Force Battalion ang tutulong sa pagbibigay seguridad sa pambansang piitan.

Aniya papalitan ng mga ito ang 500 pulis-NCRPO na tumutulong ngayon sa pagbabantay sa Bilibid.

Dagdag pa ni Sinas makalipas ang dalawang buwan ay muling papalitan ang mga ito ng katulad na bilang ng mga pulis.

Kanina ay inabswelto ng opisyal ang ilang mga pulis mula sa NCRPO na nauna nang inakusahan na nagpuslit ng mga alak, cellphone at iba pang kontrolado sa loob ng Bilibid.

Sinabi ni Sinas na walang patunay na naipasok ang nasabing mga kontrabando sa loob ng kulungan.

TAGS: Bilibid, contraband, NCRPO, sinas, Bilibid, contraband, NCRPO, sinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.