Ilang processed food products sa Mindoro positibo sa ASF
Positibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga nakumpiskang processed meat sa Mindoro.
Ayon sa Department of Agriculture, kasama sa mga processed meat ang ilang hotdog, longganisa at tocino.
Hindi naman muna binanggit ng kagawaran kung ano ang brand ng mga processed meat.
Nauna nang hinamon ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) ang pamahalaan na pangalanan ang kumpanyang nagpositibo ang produkto sa ASF para hindi madamay ang kanilang buong industriya sa isyu.
Patuloy ang isinasagawang pagsusuri at imbestigasyon ng DA sa mga produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.