50 elepante patay dahil sa dehydration sa Zimbabwe

AP

Hindi bababa sa limampu’t limang elepante ang nasawi dahil sa nararanasang tagtuyot sa Zimbabwe.

Ayon kay Tinashe Farawo, tagapagsalita ng Zimbabwe National Parks, nasawi ang mga elepante sa Hwange National Park sa loob lamang ng isang buwan dahil sa kakulangan ng tubig at pagkain.

Overpopulated na aniya ang parke at nagkakaroon ng kakulangan sa pagkain at tubig dahil sa tagtuyot.

Batay sa huling tala ng International Union for Conservation of Nature, mula sa 415,000 ay bumaba na ang bilang ng mga elepante sa Africa sa 111,000.

Read more...