NCRPO ipinagtanggol ang mga pulis na inakusahan ng pagdadala ng kontrabando sa Bilibid
Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang paglabag ang labing-anim na pulis na inakusahang nagdala umano ng mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na batay sa kanilang imbestigasyon, nasa labas ng NCR Quad Intel Force sa Bilibid ang mga pulis nang makuhanan ng mga cell phone, sigarilyo at ilang alak.
Ani Sinas, walang grave offense sa mga pulis dahil wala silang nilabag na anumang batas.
Maaari aniyang tignan ay ang dala nilang mga alak habang nasa formation.
Ipinag-utos aniya niya na maalis sa pwesto ang mga pulis para sa isinasagawang imbestigasyon.
Sa ngayon, nananatili aniya ang mga pulis sa regional headquarters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.