Spinal injury ni Duterte hindi drama ayon sa Malacanang

Photo from Sen. Bong Go

Mariing pinabulaanan ng Malacanang ang kumakalat sa social media na gawa-gawa lamang ang sakit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pananakit sa spinal column para mapagtakpan ang umanoy pangbabalewala at kahihiyan sa Japan.

Kumakalat kasi sa social media na hindi kasama sa heads of state at royalties si Pangulong Duterte sa enthronement ni Emperor Naruhito dahil sa last minute na desisyon na pagdalo sa naturang okasyon.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, isang malaking kasinungalkingan ang kumakalat sa social media.

Nabatid na nakahanay lamang ang pangulo sa foreign ambassadors at hindi nakapwesto sa heads of state at royalties at walang kaukulang pagkilala.

Sinabi pa ni Panelo na absolutely false ang naturang ulat.

Una na ring itinanggi ng Department of Foreign Affairs ang ulat na kumalat sa social media.

Read more...