DTI nag-inspeksyon sa isang pamilihan sa Maynila dahil sa sumbong ng overpricing
Matapos ang sumbong ng overpricing, nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry sa Pritil, Market sa Maynila.
Ito ay para i-monitor ang presyo ng karne ng baboy, manok at iba pang produkto.
Ayon kay Usec. Ruth Castelo ng consumer protection group ng DTI, hindi makatwiran ang patong ng mga may-ari ng pwesto sa palengke kahit pa dumaan ito sa tinatawag nilang middleman o ang mga nagde-deliver ng produkto sa kanila.
Sinabi ni Castelo, na nasa P95.00 lang ang kada kilo sa farmgate price ng mga manok at kung dadaan man ito sa middleman ay hindi nararapat na ibenta ito ng P180.00 kada kilo.
Maging ang kada kilo ng baboy ay hindi din daw dapat tumaas ng higit P200.00 dahil sapat naman ang suplay sa maynila lalo na’t hindi naman apektado ang lungsod ng african swine fever o asf.
Dahil dito, nakatakdang magsumite ng report ang dti sa department of agriculture na siyang may kapangyarihan para bigyan ng parusa ang mga nagbebenta ng agricultural products.
Bukod dito, Kinumpiska ng national meat inspection service o nmis ang nasa 156 kilo ng manok mula sa isang tindahan dahil napag-alaman na wala itong sapat na permit.
Wala naman nakitang problema ang dti sa presyo ng bigas at itlog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.