Filipino-Taiwanese arestado matapos mahulihan ng 22 pasaporte sa Clark, Pampanga
Arestado ang isang babaeng Filipino-Taiwanese na hinihinalang miyembro ng sindikato ng human trafficking sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga.
Ang suspek ay nahulihan ng 22 Philippine passports nang siya ay tangkang pasakay sa eroplanong patungong Taipei.
Ayon kay Bureau of Immigrations (BI) CIA chief Joseph Quizon, nakita ang mga pasaporte sa bagahe ng suspek na kalaunan ay umanin na ang mga pasaporte ay pag-aari ng mga indibidwal na ni-recruit ng kaniyang boss para magtrabaho sa Malta nang walang karampatang dokumento.
Sinabi ni Quizon na nagbayad ang mga biktima ng said the victims, P150,000 para sila ay makapagtrabaho sa Malta.
Dalawang Maltese Nationals din ang isinumbong ng nahuling suspek na kaniyang umanong contacts para ayusin ang job placements ng mga biktima.
Dinala na sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang suspek para sumailalim sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.