Mateo Guidecelli napili ng Viva Films para gumanap bilang Pedro Penduko

By Jimmy Tamayo October 24, 2019 - 12:00 PM

Opisyal nang inanunsyo ng Viva Films na si Matteo Guidicelli na ang gaganap sa Filipino comic hero na si Pedro Penduko.

Ang bagong pelikula na hango sa iconic character ay hahawakan ng dalawang direktor sa katauhan nina Jason Paul Laxamana at Sonny Sison at papamagatan lamang bilang “Penduko.”

Nangako ang dalawang direktor na kakaibang Pedro Penduko ang matutunghayan ng mga manonood.

Ang nasabing role ay gagawin dapat ng young actor na si James Reid pero umatras ito dahil sa natamong injury habang sumasailalim sa training para sa nasabing pelikula.

Ang nasabing pelikula ay inaasahang mailalabas sa susunod na taon.

Ang papel na Pedro Penduko ay nauna nang ginampanan ni Ramon Zamora noong 1973 sa direksyon ni Celso Ad Castillo at noong 1994 ay muli itong binuhay ng Viva Films na ginampanan naman ni Janno Gibbs.

Nagkaroon rin ng TV version ang nasabing karakter sa isang pantaserye na ginampanan ng young actor na si Matt Evans.

TAGS: 'Pedro Penduko', Mateo Guidecelli, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Viva Films, 'Pedro Penduko', Mateo Guidecelli, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Viva Films

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.