Dalawang American national arestado matapos mahulihan ng ‘kush oil’ sa Angeles City

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2019 - 12:44 PM

Dalawang American nationals ang inaresto ng mga otoridad sa Angeles City, Pampanga dahil sa pagbebenta ng “kish oil”.

Ayon kay Lyndon Aspacio, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Luzon, ang kush oil ay nakuha sa suspek na si Paul Montemayor, 42, at Shaneeka McAlister, 38.

Kapwa American citizens ang dalawa at naninirahan sa Barangay Anunas sa Angeles City.

Ayon kay Aspacio ang kush oil ay kinukuha mula sa cannabis plant, na isang high-grade type ng marijuana.

Si Montemayor ay nagtatrabaho bilang disc jockey, habang si McAlister ay dating English teacher sa South Korea noong 2016 at nasa Pilipinas sa loob ng mahigit isang buwan bilang turista.

Kabilang sa nakumpiska sa dalawa ang isang vape na may yellow liquid, dalawang maliit na kahon na may 33 grams ng kush oil na tinatayang P14,000, at ang ginamit na buy-bust money.

TAGS: buy bust, kish oil, Marijuana, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, buy bust, kish oil, Marijuana, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.