NLEX, SCTEX at CAVITEX handa na sa pagdagsa ng mga motorista sa Undas
Nakahanda na ang pamunuan ng North Luzon Expressway sa pagdagsa ng mga motorista sa nalalapit na pagguntia ng Undas.
Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ngayon pa lamang, nagbukas na sila ng 11 exclusive RFID lanes sa NLEX, 6 dito ay nasa Bocaue Barrier at 5 ang nasa Balintawak Barrier.
Dahil dito, umabot na ngayon sa 40 ang bilang ng exclusive electronic collection lanes sa kahabaan ng LEX.
Simula ngayong araw ng Huwebes, Oct. 24 ay inihinto na ang lahat ng roadworks sa NLEX, SCTEX at CAVITEX at tatagal ang suspensyon ng roadworks at road closures hanggang November 4 araw ng Lunes.
Inilunsad na rin ng NLEX ang kanilang programang Safe Trip Mo Sagot Ko Undas 2019.
Ayon kay NLEX Corporation SVP for Communication and Stakeholder Management Atty. Romulo Quimbo, tututok ang SMSK program nagyong taon sa safety at convenience ng mga motorista.
May alok na 24-hour free towing services malapit sa mga exit area para sa Class 1 vehicles mula Oct. 30 ng alas 6:00 ng umaga hanggang Nov. 4 alas 6:00 ng umaga.
Mayroon ding SMSK Motorist Camps ang MPTC kung saan magbibigay ng libreng tawag sa telepono, Wi-Fi, tubig inumin, basic mechanic services at first aid treatment.
Umapela naman ang MPTC sa mga motorista na suriin munang mabuti ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.
Tinatayang magkakaroon ng 10 percent na pagtaas sa dami ng sasakyan na babaybay sa NLEX para sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.