Temporary total ban sa baboy at mga produktong baboy iniutos sa buong lalawigan ng Batangas
Nagpatupad na ng termporary total ban sa mga produktong baboy sa buong lalawigan ng Batangas.
Kasunod ito ng paglaganap ng ASF sa maraming lugar sa bansa.
Sa inilabas na memorandum circular number 3, bawal na ang pagpasok sa bantangas ng lahat ng uri ng pork products at meat products.
Nakasaad din sa memorandum na lahat ng ibinabiyaheng baboy, at dapat sumailalim sa inspeksyon at dapat may clearance mula sa Office of the Provincial Veterinarian bago makapasok ng lalawigan.
Iinspeksyunin din ang mga babuyan sa Batangas.
Nilagdaan ang kautusan ni Provincial Veterinarian Romelito Marasigan at inaprubahan ni Gov. Germilando Mandanas.
Ang mga babuyan at iba pang establsyimento na lalabag sa kautusan ay maaring matanggalan ng permit at maipasara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.