Ito ay dahil sa umiiral na ban sa pagpasok ng pork products at meat products sa maraming mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) Spokesperson Rex Agarrado, dahil sa African Swine Fever, hindi sila nakapagpapasok ng kanilang produkto dahil sa umiiral na ban sa maraming mga lugar sa bansa.
Ngayong nalalapit na ang Christmas sesaon, sinabi ni Agarrado na binawasan ng kanilang mga miyembro ng 35 hanggang 40 percent ang produksyon ng kanilang hamon.
Inaasahan ayon kay Agarrado na sa Luzon lamang sila makapagsu-suplay ng ham ngayong kapaskuhan.
Ang 60 percent na produksyon aniya nila ng hamon ay sasapat lamang para mai-suplay sa mga lalawigan sa Luzon.
Kung magkakaroon man ayon kay Agarrado ng hamon sa Visayas at Mindanao ay kaunti lamang ang magiging suplay at masyadong magmamahal ang presyo.