Visayas at Mindanao maaring walang suplay ng hamon ngayong Christmas season

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2019 - 10:35 AM

Maaring walang maging suplay ng hamon sa Visayas at Mindanao ngayong nalalapit na Christmas season.

Ito ay dahil sa umiiral na ban sa pagpasok ng pork products at meat products sa maraming mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) Spokesperson Rex Agarrado, dahil sa African Swine Fever, hindi sila nakapagpapasok ng kanilang produkto dahil sa umiiral na ban sa maraming mga lugar sa bansa.

Ngayong nalalapit na ang Christmas sesaon, sinabi ni Agarrado na binawasan ng kanilang mga miyembro ng 35 hanggang 40 percent ang produksyon ng kanilang hamon.

Inaasahan ayon kay Agarrado na sa Luzon lamang sila makapagsu-suplay ng ham ngayong kapaskuhan.

Ang 60 percent na produksyon aniya nila ng hamon ay sasapat lamang para mai-suplay sa mga lalawigan sa Luzon.

Kung magkakaroon man ayon kay Agarrado ng hamon sa Visayas at Mindanao ay kaunti lamang ang magiging suplay at masyadong magmamahal ang presyo.

TAGS: Christmas Season, ham, meat products, Mindanao, pork products, Visayas, Christmas Season, ham, meat products, Mindanao, pork products, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.