Grupo na mga meat processor tiniyak na ligtas ang kanilang mga produkto

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2019 - 10:32 AM

Tiniyak ng Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) na mananagot ang anumang kumpanya na mapapatunayang nagpabaya sa pag-aangkat ng baboy na ginagamit sa produksyon ng processed meats.

Sinabi ito ni PAMPI Spokesperson Rex Agarrado matapos na mag-leak ang kopya ng report ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagsasabing may mga sinuri silang processed meat na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa PAMPI kung may miyembro silang meat processor na nagpabaya ay hindi nila ito poprotektahan.

Tiniyak din ni Agarrado na lahat ng produktong baboy na kanilang ginagamit para sa kanilang processed meats ay galing sa mga bansang hindi apektadong ASF.

Masama naman ang loob ng PAMPI sa paglalantad sa media ng naturang report ng BAI kung saan hindi pinangalanan ang kumpanya na gumawa ng produktong nasuri.

Maliban dito, imbes na sa PAMPI ibigay ng BAI ang resulta ay isang source umano mula sa loob ng ahensya ang nagbigay nito sa grupo ng hog raisers na sila namang naglabas sa media.

Dahil dito ayon kay Agarrado, hihingi sila ng kopya ng naturang report sa BAI at hihilingin nilang ilantad ang pangalan ng brand o kumpanya.

TAGS: African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, INC, PAMPI, Philippine Association of Meat Processors, African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, INC, PAMPI, Philippine Association of Meat Processors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.