Mga bagitong Port Police Officers itatalaga ng PPA sa mga pangunahing pantalan sa bansa
Matapos makumpleto at makapasa sa matinding pagsasanay sa Port Police training ay ipakakalat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga bagong graduate na Port Police Officers sa iba’t-ibang pantalan sa UNDAS 2019.
Ang 80 Port Police Officers ay aayuda sa mga kasalukuyang Port Police Force na nagbabantay sa seguridad, kaligtasan at comfort ng mga bumibiyahe sa karagatan sa lahat ng mga pantalaan na pinangangasiwaan ng PPA sa buong bansa.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga nagsipagtapos na port Police Officers, hinimok ni PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago ang mga ito na manatiling totoo at loyal sa kanilang sinumpaang tungkulin kung saan ang kaligtasan at seguridad ng buhay sa mga pantalan ang pangunahing nilang layunin.
Sa kasalukuyan ay may 115 na mga pantalan sa ilalim ng hurisdiksiyon ng PPA at patuloy na tatanggap at magdedeploy ang port Authority ng karagdagang tauhan para tumalima sa kanilang existing Port Police operation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.