66 na distressed OFWs mula Kuwait dumating na sa bansa
Dumating sa bansa Miyerkules (Oct. 23) ng gabi ang 66 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) galing sa Kuwait.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 66 ay ikawalong batch na ng mga Pinoy na umuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.
Sa ngayon sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, umabot na sa 425 na distressed OFW mula Kuwait ang nakabalik sa bansa.
Ang mga napauwing OFW ay pawang expired na ang visa at ang iba ay umalis sa kanilang amo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.