Utos ng doktor na magpahinga muna susuwayin ni Pangulong Duterte; pangulo balik-trabaho ngayong araw

By Chona Yu October 24, 2019 - 08:38 AM

Hindi susundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng kanyang doktor na magpahinga muna dahil sa nararanasang muscle spasm kung kaya tuloy ang pananakit ng kanyang spinal column.

Base kasi sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, balik-trabaho na ngayong araw si Pangulong Duterte.

Tuloy ang pakikipagpulong mamaya ni Pangulong Duterte kay Chinese Vice Premier Hu Chunhua upang pag-usapan ang mga infrastructure projects na popondohan ng China.

Wala ring balak si Pangulong Duterte na kanselahin ang nakapilang foreign trip niya gaya ng sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa Thailand na gaganapin sa Nov. 1 hanggang 4 at Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting na gaganapin sa ikalawnag linggo ng Nobyembre sa Chile.

Ayon kay Panelo, gagampanan pa rin ni Pangulong Duterte ang kanyang presidential duties na may kaparehong sigla at didikasyon alinsunod sa mandato ng konstitusyon para pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan.

Kasabay nito sinabi ng Malakanyang na walang dapat ipag-alala sa estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

TAGS: Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting, Association of Southeast Asian Nations Summit, Chile, president duterte, thailand, Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting, Association of Southeast Asian Nations Summit, Chile, president duterte, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.